Miyerkules, Marso 22, 2017

MY LET TESTIMONY



Hello to my fellow current and future LPTs!! :) 💖
Just want to share my story to all of you and as well some TIPS regarding on how I passed the LET Exam. But please tiyaga lang sa pagbabasa okay? Because I guarantee that it will all be worth reading. 😘
Mahirap talagang magreview lalo na sa board exam. Marami kang makakalaban and ang pinaka-kalaban mo ay ang SELF mo. Naaalala ko that time, sobrang pressured ako dahil my family is expecting a lot from me. Then at that time I was also studying at TESDA accredited school so talagang mas nakakapressure.
Actually wala nakong time masyado para makapagreview ng bongga. Naalala ko, nakaenroll din ako sa review center kaso hindi ko masyadong mareview ang mga notes kasi nga sa sobrang busy. Plus the fact at that time, WALANG pumapasok sa utak ko kahit anong review ko. 😭😭😭
Then dumating ang time na yung plano kong pagrereview ng 3 months, naging 1 month tapos 2 weeks before na lang. Then dun ko napagtantong may mali. Mali ako. Because I was doing it on my OWN STRENGTH, then I remembered Who is the One whom I should look up to. It was GOD. :)
Kalaban mo talaga ang sarili mo dahil gusto kong magreview talaga before, hinihila ako ng fb para magstatus..
Gusto kong magreview pero nauunahan lagi ako ng panic and doubt na baka di ko kayanin lalo na sa Math.
Gusto kong magreview kaso sobrang inaantok at pagod ako lalo na 't nagaaral pako that time sa Housekeeping. Then nagkakasabay pang may long quizzes.
At minsan hindi pa ako nakakapunta sa review center namin dahil mas nauuna ko ang pagdalo sa
church namin.

At that time na sooobrang busy and gusto ko ng mawalan ng pagasa. GOD gave me a dream. Before akong matulog that time, sobrang worried at umiiyak pa ako kasi nga hindi pa ako totally nakakapagreview. Sep. 21 2016 yan, ilang days before board exam na..

Katabi ko daw ang Papa ko that time. May dalawang paparating na tsunami. DALAWANG malalaking tsunami. Pilit ko daw kinokontrol lahat at pinapabalik ko sila dun sa dulo. Medyo naiiinis pa ako kay Papa ko daw kasi nga kinukuha niya ang kamay ko or pinapalis niya kaya mas lumalapit tuloy ang tsunami. Naiinis pa ako sa kanya kasi parang sobrang relax lang siya. Nung time na sobrang lapit na ng tsunami sa amin, na hindi ko na kayang kontrolin, sumigaw daw ako ng pagkalakas lakas sabay sabing, "Ama Ikaw lang makakagawa nito!!!! Hindi ko kayang gawin ito!!" sabay iyak ng malakas then nagtataka ako kasi parang kay 'Papa' wala lang. Nakangiti lang siya habang paparating ang tsunami. Na parang okay lang..

Then I woke up. Pagkagising ko, nagulat ako kasi nakaramdam ako ng LOVE. Yung LOVE na parang niyakap ako ng kung sino. Hindi physically kundi spiritually mararamdaman mo. Yung YAKAP na parang sinasabing magiging okay din ang lahat basta magtiwala at manalig ka lang sa Akin (Read Romans 8:28). At that time, naiyak ako tuloy at alam ko na hinding hindi Niya ako pababayaan sa ANUMANG PARAAN(kahit sa board exam) -Read Hebreo 13:5..
Sabi nga sa Bible, pag si LORD ang nagsalita, siguradong mangyayari at hinding hindi Siya nagsinungaling. Nagtaka ako that time kasi bakit 2 TSUNAMI ang paparating. Magkakaroon din pala ako ng ASSESSMENT sa Housekeeping then ilang araw BOARD EXAM na. Nagkasabay sabay pa. Nakakaloka noh? Grabehang review yung kailangang pagdaanan pero I WALK BY FAITH, NOT BY SIGHT. (2 Cor.5:7)
NAG-CLING ako sa mga PROMISES ni LORD. Ilang araw na lang, LET na, nagreview pa rin ako. Pero mas nireview ko ang mga salita Niya. Kasi alam kong mas greater Siya kaysa sa mga human knowledge at wisdom na nirereview ko. Mas greater ang mga scriptures na nanggagaling sa Kanya kaysa mga theories nila Pavlov hahaha..
But still nagreview ako, but nagpepray muna ako then read some Scriptures then review na. I relied to His strength and trust Him. For greater is the One who is in me than He who is of this world (1 John 4:4)
Sabi ko nga, WALK BY FAITH, NOT BY SIGHT. (2 Cor.5:7)
Kahit anong gawin ng devil sayong pandidistract..magpatuloy ka parin. Wag kang susuko.
Kahit nakikita ng mga mata mo na hindi ka makakapasa, tumingin ka lang kay LORD at magtiwala ka lang sa Kanya..
Kung sa tingin mo sa sobrang busy mo at hindi ka na nakkapagreview ay hindi ka na makakapasa, tumingin ka lang kay LORD at magtiwala sa magagawa Niya.
Kung sa sobrang hirap ng pagrereview mo at walang pumapasok sa isip mo na gusto mo ng sumuko, magpatuloy ka pa rin..tumingin ka lang kay LORD at manalig kang hinding hindi ka Niya iiwan sa labang ito.
Kung nakaya ni David na I-ISTRIKE si Goliath ng ISANG BESES lang sa pamamagitan ng clingshot LANG, ikaw pa kaya na lapis lang gagamitin mo?
Isipin mo na ang BOARD EXAM ay si Goliath at ikaw si David. Kaya mong IPASA yang LET ng ISANG STRIKE lang. Nanalig lang si David kay GOD, na sobrang laki ni Goliath at never pang natatalo sa war pero natalo pa rin niya. Dahil walang impossible sa Kanya basta manampalataya ka lang with works syempre. (Mark 9:23)

Sabi nga ni David, 
1 Samuel 17:45 - Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't AKO'Y NAPARIRITO laban sa iyo sa PANGALAN ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng mga kawal ng Israel na iyong hinahamon.

Kaya't kung minsan sinasabi mo sa sarili mo, "Sobraaang hirap na, ayoko na!!"
Tumingin ka lang kay LORD at eto ang isasagot Niya sayo..
Jeremias 32:27 - Narito, Ako ang Panginoon, ang Dios ng lahat na tao; may anomang bagay baga na totoong mahirap sa akin?

Meron nga ba? Board exam lang yan. Naipasa mo na nga lahat ng exams mo noong college ka, nakaharap ang matitinding professors at natapos na rin ang thesis mo tapos sa LET panghihinaan ka? Kapit ka lang kay LORD okay?
PS. Btw, parehas po akong PASADO sa Housekeeping assessment at LET awa't tulong Niya.. Dalawang tsunami po yan na nasa panaginip ko po pero dahil kasama ko po si Papa GOD, wala pong naging imposible basta't may faith. Salamat sa Kanya. To God be the glory forever. 

TIPS ON PASSING THE LET



Mga tips ko po na NAGAWA ko po na iseshare ko po para sainyo..

TIPS:


BEFORE THE EXAM-

1. Magreview syempre. Ang talagang dapat is 2-1 months before the exam. Magplano kung anong dapat unahin mong subject na irereview pero mas maganda kung isasama mo si LORD within your plans. 

Kawikaan 16:3- Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. 

2. Kumain ng healthy syempre. MINDSET. FOCUS. Exercise paminsan minsan para healthy ang body and mind. Basta, iFOCUS mo lang sarili mo dun sa AIM mong makapasa. Kahit minsan tinatamad at wala kang ganang magbasa, MAGBASA ka parin. Kahit walang pumapasok sa nirereview mo, MAGBASA ka pa rin.

3. Magreview ng notes pero mas maganda if magsagot ng mga questions. Ang ginawa ko before, I bought a notebook tapos kada review ko sa notes, nagsasagot ako ng questionnaire on the same subject na nireview ko tapos nirerecord ko yung score. Para macompare mo mga scores at madetect mo kung saan ang strength and weaknesses mo tapos matutukan mo pa. 
And mag analyze ng mga reviewers WAG imemorize. 

3. Mas advisable ko pa rin na mas magreview or masagot ka ng mga QUESTIONNAIRES.. Kung aasa ka kase sa knowledge na alam mo lang base sa nireview mo baka madale ka at mamental block ka pa.. Yung questionnaires kasi na minsan nasasagutan mo yun pa ang KADALASANG lumalabas sa LET exam since karamihan ay nakukuha un sa msmong PRC. 

4. Yung questionnaires minsan paiba-iba ng answers so wag kang mapanatag na tama na yang sinagot mo. Do a research pa rin. Advisable na TRY an ONLINE review lalo na sa group na ito. Mostly may lumalabas na mga tanong dito sa group na ito..

5. Although a review center is a big help, wag pakakasigurado. Mas maganda if ikaw pa rin mismo or SELF REVIEW. 

6. Wag ng magreview a day before the exam. Relax kna lang. Try mong mag unwind or magparelax BASTA wag kang magpapakasaya/celebrate agad..hahaha.. Mahirap na. Nagcelebrate ka nga before dahil natapos mo ang review tapos yun pala, hindi ka rin makakapasa. 
Ako kasi, nag unwind at pray lang ako. Dinedicate ko a day before the exam kay LORD. Na anuman ang mangyari, Siya pa rin makakaalam ng lahat. Makapasa man or hindi, alam kong will Niya pa rin yun at maybe may plano Siya. (Roma 8:38; Jeremiah 29:11)

7. PRAY lang lagi at tiwala ka lang sa Kanya.. 

Marcos 11:24 - Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.




DURING THE EXAM--


(Hours before the exam)

1. Dapat kinagabihan, natulog ka ng mahimbing and 7-8 hrs dapat. Nagpray ako kaagad pagkagising ko. I leave everything unto His hands. That no matter what, Siya ang gagawa hindi ako. Then I rely unto His promises and have faith na makakapasa ako. Kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya, natatakot ako na baka hindi at mukhang malabo, still I rely unto His promises.. 

2. Magdala ng mga kailangan. Huwag kakalimutan ang lapis, calculator at iba pang mga gamit for the LET. Pati yang mga forms. Mahirap na. At iready ang sarili. 
Magbaon ka rin ng food. 
Para sa brain boosters na food na inadvice sakin na dinala ko, nagdala ako ng IODIZED SALT(oo hehehe..), CHOCOLATES or BISCUITS (pra medyo may pampabigat).. Pati tubig na rin syempre. 

3. Smile. Look forward sa kung ano ang magagawa ni LORD for you. Ang lagi kong sinasabi during that time, "Ikaw ang makakagawa nito LORD, hindi ako." at "Gagawin ko po ito para sayo at sa pangalan Mo.."
Read Colossians 3:17..



(Exam na..)
1. RELAX. KEEP CALM. Wag kang papangunahan ng takot. Kapag nagpanic ka kaagad baka mamental block ka!! Just think na it was just an ORDINARY EXAM. Then kapag natatakot ka, cite some Scriptures.. Isipin mo na KASAMA mo or katabi mo si LORD sa oras na iyon at He is helping you .

Isaias 41:10 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Awit 121:2 - Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.


2. Kumain habang nagsasagot paminsan minsan.. Chocolates are prove na healthy sa brain. Lalo na ang iodized salt. Mas nakakapgfocus ka at nakakapg improve yan ng memory ang sabi sakin ng prof namin.

3. Buong araw, sounds odd pero si LORD kausap ko at sarili ko..hahaha.. Sabi ko, kunwari sa isang question lalo na sa prof ed na puro analysis and comprehension, "paano kaya ito? Kung ito si A, prang malayo.. Pero ganito gnagawa ni B.." then malalaman mo talaga na tinutulungan ka Niya kasi magkakaroon ka ng linaw sa mga sagot mo. 

4. Madali lang GenEd kahit papano kasi may idea ka na sa iba pero Prof Ed talaga.. Mapipiga utak mo. Kasi puro comprehensions at analysis un.. Puro situational. Hindi porke tama na yung gnagawa, ayun ang sagot. Wag kang gaganon. Kasi minsan may mas KARAPAT DAPAT pala. Ang payo ko sa Prof Ed, wag mong piliin ang tama, piliin mo ang KARAPAT DAPAT sa sitwasyon. Dun sa sitwasyon ka tumingin. At advice ko rin na basahin mong mabuti, self reading tapos ulitin mo kapag hindi mo maintindihan. Relax. 

5. Kramihan, analysis talaga or comprehension ang gagana sayo dun. Kung hindi mo alam ang sagot, hulaan mo na lang. Ishade mo pa rin. Mas maganda un kaysa makalimutan at malaktawan mo pa. 

6. Careful sa shading at erasing. Lalo na sa names at info. Minsan may bumabagsak jan dahil nagkakaron ng error sa machine dahil nagkamali lang ng shade. DOUBLE CHECK. Mahirap na!

7. Pag tapos ka na, donate your pencils or ginamit mo sa exams. Then wag ka ng titingin ulit pabalik.
Magpasalamat sa Kanya kahit na anong mangyari, makapasa ka man or hindi..bsta nagtiwala ka sa magagawa Niya. Then, basta pagkapasa and pagkadonate mo ng mga gamit, manalig kang hindi ka na Niya pababalikin ulit para mag take ulit at ipapasa ka Niya. Tiyak, kung Kanyang will, mangyayari yun!!  💖💪💪👏👏


Goodluck future LPTs!!! 

Miyerkules, Marso 1, 2017

"Mga Sitas Tungkol Sa Depresyon/Kalungkutan"

Lahat tayo ay nakakaranas ng depresyon, kalungkutan o kaya mga kabalisahan sa ating buhay.. Naalala ko dati noong ako'y nilalait lait dahil sa aking katabaan, nawalan ako ng pag asang mabuhay nun.. Halos gabi gabi akong umiiyak at nananalangin sa Kanya dahil sa sakit at depresyong nararanasan ko. Gayunpaman, eto ang naging sagot sa mga sugat na nalikha sa aking puso. Hanggang ngayon, ako man ay nakakaranas ng ganito NGUNIT lalo na kapag feeling ko ay nasa mga panahong ako'y lugmok sa putikan ng kalungkutan/kabalisahan, tanging Kanyang mga salita ang aking naging kandungan. Kaya't iseshare ko sa inyo ang ilan sa mga sitas na tumatak sa aking puso't isip na siyang naging pundasyon ko para magtiwala sa Kanyang magagawa at magkaroon kahit papaano ng pag asa at kasiyahan sa kabila ng dilim na aking nararanasan.
Kaya't manalangin ka kapatid at kumapit ka sa mga PANGAKO Niya para sayo.. May isa kang Dios na karamay at kasa-kasama tandaan mo yan. :)
1. Deuteronomio 31:8 - At ang Panginoon, ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, HINDI KA NIYA IIWA, NI PABABAYAAN KA: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.
2. Juan 16:20 - Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
3. Juan 16:22 - At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
4. Juan 16:33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay MAYROON KAYONG KAPIGHATIAN: nguni't LAKSAN ninyo ang LOOB; aking DINAIG ang sanglibutan.
5. 1 Pedro 5:7 - Na inyong ilagak sa kaniya ang LAHAT ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
6. Awit 34:18 - Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
7. Awit 34:19 - Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
8. Awit 34:17 - Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
9. Awit 34:15 - Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
10. Awit 40:1-3 - Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.
At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon.
11. Awit 40:13- Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
12. 2 Samuel 22:29 - Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
13. Awit 9:9 - Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;

Bakit hindi mo subukang umasa sa Dios?

14. Awit 42:11 - Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

May mas magandang plano ang Dios para sayo tandaan mo yan. Siguradong sa huli, anuman yang sakit at hirap na napapagdaanan mo, ikabubuti mo yan. Proven & tested ko na yan. :)

15. Jeremias 29:11 - Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
16. Roma 8:28 - At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Dahil sa nangyayari sayo ngayon kapatid, alam mo bang nagiging karamay ka na rin ng hirap ni Cristo?

17. 1 Pedro 4:12-13 - Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:
Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

Habang may buhay, may pag asa pa..

18. Eclesiastes 9:4 - Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon.
19. Roma 8:38-39 - Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Hinding-hindi ka pababayaan ng Dios..

19. Isaias 41:10 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
20. Hebreo 13:5 - Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa ANOMANG PARAAN ay HINDI kita papagkukulangin, sa ANOMANG PARAAN ni HINDI KITA PABABAYAAN.

Sabi nga ng isang mangangaral na ang pangalan ay Bro. Eli Soriano, kasinglapit lang ng tuhod ang sahig para maibigay mo sa Dios yang dinaramdam ng iyong puso.
Samahan at ingatan nawa. Pakatibay ka po ah? Salamat sa Dios. 💖
PS. Hindi po ito pwedeng icopy tapos ipaste po. Share lang po pwede

Linggo, Enero 29, 2017

PUTTING THE PAST BEHIND

Bible verses about putting the past behind 
(Credits to Bible Reasons)

When you accept Christ as your Lord and Savior you are a new creation. God’s love never ends. It doesn’t matter if you were a murderer, prostitute, wiccan, or thief. God will forgive you and remember your sins no more. What you must do is walk faithfully with the Lord and put the past behind you. Always remember this as well that God is always working in your life even if it seems like he is not. Sometimes we will dwell on persecution we received, things we have given up, or opportunities lost because of being a Christian.

For Christ we have to choose a harder life over an easier life, but don’t look back and say I could have done this and that. Renew your mind. Trust in the Lord with all your heart. Know that God will never leave you and he knows what is best. Even as a Christian you will make mistakes, but these mistakes make you stronger, smarter, and builds you as a Christian. Work on putting your past away. Let it go and let nothing hinder your relationship with the Lord. It’s all about Christ, live for him today. Allow the Lord to guide your life and work in it. God can make all things even bad situations work together for good.

Forgiveness
1. Psalm 103:12-13 as far as the east is from the west, so far has he removed our transgressions from us. As a father has compassion on his children, so the LORD has compassion on those who fear him;
2. 1 John 1:9 If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.
3. Hebrews 10:17 Then he adds: “Their sins and lawless acts I will remember no more.”
4. Isaiah 43:25 “I, even I, am he who blots out your transgressions, for my own sake, and remembers your sins no more.

What does the Bible say?
5. Isaiah 43:18 “Do not call to mind the former things, Or ponder things of the past.
6. Philippians 3:13-14 Brothers and sisters, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do:Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.
7. 2 Corinthians 5:17 This means that anyone who belongs to Christ has become a new person. The old life is gone; a new life has begun!
8. 1 Corinthians 9:24 Don’t you realize that in a race everyone runs, but only one person gets the prize? So run to win!
9. Ephesians 4:23-24 Instead, let the Spirit renew your thoughts and attitudes. Put on your new nature, created to be like God–truly righteous and holy.

God is with you
10. Isaiah 41:10 Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.
11. Joshua 1:9 Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the LORD your God will be with you wherever you go.”

Reminders
12. Luke 9:62 Jesus replied, “No one who puts a hand to the plow and looks back is fit for service in the kingdom of God.”
13. Proverbs 24:16-17 for though the righteous fall seven times, they rise again, but the wicked stumble when calamity strikes.
14. Psalm 37:24 though he may stumble, he will not fall, for the LORD upholds him with his hand.
15. Romans 12:1-2 Therefore, I urge you, brothers and sisters, in view of God’s mercy, to offer your bodies as a living sacrifice, holy and pleasing to God—this is your true and proper worship. Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is—his good, pleasing and perfect will.
16. Philippians 2:13 for it is God who works in you, both to will and to work for his good pleasure.

Trust in God
17. Isaiah 26:3-4 You will keep in perfect peace those whoseminds are steadfast, because they trust in you. Trust in the Lord forever, for the Lord, the Lord himself, is the Rock eternal.
18. Proverbs 3:5-6 Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight.
19. Psalm 37:3-5 Trust in the Lord and do good; dwell in the land and enjoy safe pasture. Take delight in the Lord, and he will give you the desires of your heart. Commit your way to the Lord; trust in him and he will do this:

Fight
20. 1 Timothy 6:12  Fight the good fight for the true faith. Hold tightly to the eternal life to which God has called you, which you have confessed so well before many witnesses.
21. 2 Timothy 4:7 I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.

Bonus
Romans 8:28 And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose.