Miyerkules, Marso 1, 2017

"Mga Sitas Tungkol Sa Depresyon/Kalungkutan"

Lahat tayo ay nakakaranas ng depresyon, kalungkutan o kaya mga kabalisahan sa ating buhay.. Naalala ko dati noong ako'y nilalait lait dahil sa aking katabaan, nawalan ako ng pag asang mabuhay nun.. Halos gabi gabi akong umiiyak at nananalangin sa Kanya dahil sa sakit at depresyong nararanasan ko. Gayunpaman, eto ang naging sagot sa mga sugat na nalikha sa aking puso. Hanggang ngayon, ako man ay nakakaranas ng ganito NGUNIT lalo na kapag feeling ko ay nasa mga panahong ako'y lugmok sa putikan ng kalungkutan/kabalisahan, tanging Kanyang mga salita ang aking naging kandungan. Kaya't iseshare ko sa inyo ang ilan sa mga sitas na tumatak sa aking puso't isip na siyang naging pundasyon ko para magtiwala sa Kanyang magagawa at magkaroon kahit papaano ng pag asa at kasiyahan sa kabila ng dilim na aking nararanasan.
Kaya't manalangin ka kapatid at kumapit ka sa mga PANGAKO Niya para sayo.. May isa kang Dios na karamay at kasa-kasama tandaan mo yan. :)
1. Deuteronomio 31:8 - At ang Panginoon, ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, HINDI KA NIYA IIWA, NI PABABAYAAN KA: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.
2. Juan 16:20 - Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.
3. Juan 16:22 - At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
4. Juan 16:33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay MAYROON KAYONG KAPIGHATIAN: nguni't LAKSAN ninyo ang LOOB; aking DINAIG ang sanglibutan.
5. 1 Pedro 5:7 - Na inyong ilagak sa kaniya ang LAHAT ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
6. Awit 34:18 - Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
7. Awit 34:19 - Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
8. Awit 34:17 - Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
9. Awit 34:15 - Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
10. Awit 40:1-3 - Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.
At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon.
11. Awit 40:13- Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
12. 2 Samuel 22:29 - Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
13. Awit 9:9 - Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;

Bakit hindi mo subukang umasa sa Dios?

14. Awit 42:11 - Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

May mas magandang plano ang Dios para sayo tandaan mo yan. Siguradong sa huli, anuman yang sakit at hirap na napapagdaanan mo, ikabubuti mo yan. Proven & tested ko na yan. :)

15. Jeremias 29:11 - Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.
16. Roma 8:28 - At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa.

Dahil sa nangyayari sayo ngayon kapatid, alam mo bang nagiging karamay ka na rin ng hirap ni Cristo?

17. 1 Pedro 4:12-13 - Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay:
Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

Habang may buhay, may pag asa pa..

18. Eclesiastes 9:4 - Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon.
19. Roma 8:38-39 - Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Hinding-hindi ka pababayaan ng Dios..

19. Isaias 41:10 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
20. Hebreo 13:5 - Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa ANOMANG PARAAN ay HINDI kita papagkukulangin, sa ANOMANG PARAAN ni HINDI KITA PABABAYAAN.

Sabi nga ng isang mangangaral na ang pangalan ay Bro. Eli Soriano, kasinglapit lang ng tuhod ang sahig para maibigay mo sa Dios yang dinaramdam ng iyong puso.
Samahan at ingatan nawa. Pakatibay ka po ah? Salamat sa Dios. ðŸ’–
PS. Hindi po ito pwedeng icopy tapos ipaste po. Share lang po pwede

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento