This blog is all about my journey, my travels, my calling, my stories and all that glorifies my GOD.. A worthless handmaid of the LORD. Feel free to visit please :)
Miyerkules, Marso 22, 2017
TIPS ON PASSING THE LET
Mga tips ko po na NAGAWA ko po na iseshare ko po para sainyo..
TIPS:
BEFORE THE EXAM-
1. Magreview syempre. Ang talagang dapat is 2-1 months before the exam. Magplano kung anong dapat unahin mong subject na irereview pero mas maganda kung isasama mo si LORD within your plans.
Kawikaan 16:3- Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag.
2. Kumain ng healthy syempre. MINDSET. FOCUS. Exercise paminsan minsan para healthy ang body and mind. Basta, iFOCUS mo lang sarili mo dun sa AIM mong makapasa. Kahit minsan tinatamad at wala kang ganang magbasa, MAGBASA ka parin. Kahit walang pumapasok sa nirereview mo, MAGBASA ka pa rin.
3. Magreview ng notes pero mas maganda if magsagot ng mga questions. Ang ginawa ko before, I bought a notebook tapos kada review ko sa notes, nagsasagot ako ng questionnaire on the same subject na nireview ko tapos nirerecord ko yung score. Para macompare mo mga scores at madetect mo kung saan ang strength and weaknesses mo tapos matutukan mo pa.
And mag analyze ng mga reviewers WAG imemorize.
3. Mas advisable ko pa rin na mas magreview or masagot ka ng mga QUESTIONNAIRES.. Kung aasa ka kase sa knowledge na alam mo lang base sa nireview mo baka madale ka at mamental block ka pa.. Yung questionnaires kasi na minsan nasasagutan mo yun pa ang KADALASANG lumalabas sa LET exam since karamihan ay nakukuha un sa msmong PRC.
4. Yung questionnaires minsan paiba-iba ng answers so wag kang mapanatag na tama na yang sinagot mo. Do a research pa rin. Advisable na TRY an ONLINE review lalo na sa group na ito. Mostly may lumalabas na mga tanong dito sa group na ito..
5. Although a review center is a big help, wag pakakasigurado. Mas maganda if ikaw pa rin mismo or SELF REVIEW.
6. Wag ng magreview a day before the exam. Relax kna lang. Try mong mag unwind or magparelax BASTA wag kang magpapakasaya/celebrate agad..hahaha.. Mahirap na. Nagcelebrate ka nga before dahil natapos mo ang review tapos yun pala, hindi ka rin makakapasa.
Ako kasi, nag unwind at pray lang ako. Dinedicate ko a day before the exam kay LORD. Na anuman ang mangyari, Siya pa rin makakaalam ng lahat. Makapasa man or hindi, alam kong will Niya pa rin yun at maybe may plano Siya. (Roma 8:38; Jeremiah 29:11)
7. PRAY lang lagi at tiwala ka lang sa Kanya..
Marcos 11:24 - Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.
DURING THE EXAM--
(Hours before the exam)
1. Dapat kinagabihan, natulog ka ng mahimbing and 7-8 hrs dapat. Nagpray ako kaagad pagkagising ko. I leave everything unto His hands. That no matter what, Siya ang gagawa hindi ako. Then I rely unto His promises and have faith na makakapasa ako. Kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya, natatakot ako na baka hindi at mukhang malabo, still I rely unto His promises..
2. Magdala ng mga kailangan. Huwag kakalimutan ang lapis, calculator at iba pang mga gamit for the LET. Pati yang mga forms. Mahirap na. At iready ang sarili.
Magbaon ka rin ng food.
Para sa brain boosters na food na inadvice sakin na dinala ko, nagdala ako ng IODIZED SALT(oo hehehe..), CHOCOLATES or BISCUITS (pra medyo may pampabigat).. Pati tubig na rin syempre.
3. Smile. Look forward sa kung ano ang magagawa ni LORD for you. Ang lagi kong sinasabi during that time, "Ikaw ang makakagawa nito LORD, hindi ako." at "Gagawin ko po ito para sayo at sa pangalan Mo.."
Read Colossians 3:17..
(Exam na..)
1. RELAX. KEEP CALM. Wag kang papangunahan ng takot. Kapag nagpanic ka kaagad baka mamental block ka!! Just think na it was just an ORDINARY EXAM. Then kapag natatakot ka, cite some Scriptures.. Isipin mo na KASAMA mo or katabi mo si LORD sa oras na iyon at He is helping you .
Isaias 41:10 - Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
Awit 121:2 - Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
2. Kumain habang nagsasagot paminsan minsan.. Chocolates are prove na healthy sa brain. Lalo na ang iodized salt. Mas nakakapgfocus ka at nakakapg improve yan ng memory ang sabi sakin ng prof namin.
3. Buong araw, sounds odd pero si LORD kausap ko at sarili ko..hahaha.. Sabi ko, kunwari sa isang question lalo na sa prof ed na puro analysis and comprehension, "paano kaya ito? Kung ito si A, prang malayo.. Pero ganito gnagawa ni B.." then malalaman mo talaga na tinutulungan ka Niya kasi magkakaroon ka ng linaw sa mga sagot mo.
4. Madali lang GenEd kahit papano kasi may idea ka na sa iba pero Prof Ed talaga.. Mapipiga utak mo. Kasi puro comprehensions at analysis un.. Puro situational. Hindi porke tama na yung gnagawa, ayun ang sagot. Wag kang gaganon. Kasi minsan may mas KARAPAT DAPAT pala. Ang payo ko sa Prof Ed, wag mong piliin ang tama, piliin mo ang KARAPAT DAPAT sa sitwasyon. Dun sa sitwasyon ka tumingin. At advice ko rin na basahin mong mabuti, self reading tapos ulitin mo kapag hindi mo maintindihan. Relax.
5. Kramihan, analysis talaga or comprehension ang gagana sayo dun. Kung hindi mo alam ang sagot, hulaan mo na lang. Ishade mo pa rin. Mas maganda un kaysa makalimutan at malaktawan mo pa.
6. Careful sa shading at erasing. Lalo na sa names at info. Minsan may bumabagsak jan dahil nagkakaron ng error sa machine dahil nagkamali lang ng shade. DOUBLE CHECK. Mahirap na!
7. Pag tapos ka na, donate your pencils or ginamit mo sa exams. Then wag ka ng titingin ulit pabalik.
Magpasalamat sa Kanya kahit na anong mangyari, makapasa ka man or hindi..bsta nagtiwala ka sa magagawa Niya. Then, basta pagkapasa and pagkadonate mo ng mga gamit, manalig kang hindi ka na Niya pababalikin ulit para mag take ulit at ipapasa ka Niya. Tiyak, kung Kanyang will, mangyayari yun!! 💖💪💪👏👏
Goodluck future LPTs!!!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento